SA LIKOD NG LIGAYA

Araw- araw, nagagawa kong maging masaya, nagagawa kong tumawa at nagagawa kong ngumiti, pero sa likod ng lahat ng mga ito, hindi ko pinapahalata ang kalungkutan.

Minsan nagiging malungkot ako, pero di ko pinapahalata, dahil alam kong ang pagsimangot ay hindi makakatulong kaya dinadaan ko nalang sa pagiging masaya.

Masaya ako, kahit may pinagdadaanan. Tumatawa ako, kahit na may problema, at higit sa lahat nagagawa ko paring ngumiti, kahit ang sakit sakit na.